-- Advertisements --

Inilagay sa Alert Level 4 ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Kalinga, Ifugao, Mountain Province at Northern Samar dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles, magsisimulang ipatupad ito mula Enero 21-31.

Sa kasalukuyan kasi ang mga ito ay nasa Alert Level 3 ang nasabing mga lugar.

Ang mga establishimento na nasa alert level 4 ay papayagan lamang na mag-operate ng 10% indoor capacity at dapat ay mga fully vaccinated lamang at 30% outdoor capacity naman.

Hindi naman papayagan mag-operate ang mga sinehan, contact sports, face-to-face classes (maliban kung ito ay aprubado ng gobyerno), amusement parks at mga casinos.

Dinagdagan din ng IATF ang mga lugar na inilagay sa Alert level 3 simula Enero 21- 31 na kinabibilangan ng Apayao, Puerto Princesa City, Masbate sa Luzon habang sa Siquijor naman sa Visayas.

Nasa Alert Level 3 ang Basilan, Maguindanao, Surigao del Norte, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, Davao Oriental , Davao de Oro, Lanao del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Norte.

Ang establishemento ay papayagan ng 30 percent indoor venue capacity pero dapat mga fully vaccinated habang 50 percent sa mga outdoor venue capacity basta ang mga empleyado nila ay fully vaccinated.

Pinagbabawal din na mag-operate ang face-to-face classes, contact sports, peryahan at mga casinos.