-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Kinumpirma ng Tabaco City Veterinary Office na idineklara ang lungsod bilang rabies infected area dahil sa mataas na kaso ng rabies.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tabaco City veterinarian Dr. Rene Rocha, walong barangay ang nagpositibo sa kaso kabilang na ang mga barangay ng San Juan, San Roque, San Lorenzo, San Antonio, Bonbon at Bongabong.

Ayon kay Rocha, noong buwan pa ng Pebrero inumpisahan ang deklarasyon at nagsumite na rin ng resolusyon para sa alokasyon ng pondo.

Nakatakda namang i-activate ang dog pound sa lungsod upang makontrol ang stray dogs na umano’y nagpapakalat ng impeksyon.

Magtatakda rin ng schedule para sa pagbisita sa nasabing dog pound.

Aminado naman ang opisyal na kulang ang bakuna para sa mga aso subalit nagpasalamat sa Albay Provincial Veterinary Office sa ibibigay na tulong.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng opisina ang bibilhing karagdagang 170 vials na gamot para sa gagawing vaccination sa Abril.