Makakaranas ng matinding init ng panahon ang 17 lugar sa bansa.
Base sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakaranas ng hanggang 43 degree celcius ang mga sumusunod na lugar gaya ng : Dagupan City, Pangasinan; Coron, Palawan; San Jose, Occidental Mindoro at Virac, Catanduanes.
Makakaranas naman ng hanggang 42°C heat index ang mga sumusunod na lugar: Butuan City, Agusan Del Norte; Cotabato City, Maguindanao; Echague, Isabela; Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City; San Ildefonso, Bulacan
Cuyo, Palawan; Roxas City, Capiz; Dumangas, Iloilo; Panglao International Airport, Bohol; Catarman, Northern Samar; Dipolog, Zamboanga Del Nortej; Zamboanga City, Zamboanga Del Sur at Agromet, Musuan, Bukidnon.
Sa Metro Manila naman ay makakaranas ng hanggang 41°C ang inaasahan sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay habang sa Science Garden sa Quezon City ay maaring umabot ng hanggang 39°C.
Itinuturing ng PAGASA na nasa ‘danger category’ ang nasa 42°C hanggang 51°C heat index habang nasa extreme caution ang heat index na 33°C hanggang 41°C.