-- Advertisements --

Dahil sa ITCZ na nararanasan natin ngayon at sa patuloy na pag-ulan simula pa kanina, naglabas ng Heavy Rainfall Warning 4 ang Pagasa DOST at pinapayuhan ang mga sumusunod na lugar na ito rehiyon na maging patuloy ang pagsubaybay sa lagay ng panahon at sa kanilang mga lugar.

Katamtaman na may manaka-nakang malakas na pag-ulan ang nararanasan ngayon sa Labao Sur sa Kapai, Tagoloan Dos, Bubong, Marawi City, Ditsaan Ramain, Piagcapo, Marantao, Picong at sa Malabang, sa ilang lugar sa Maguindanao Norte kagaya ng Datu Blah Sinsuat, Banra, Matanog, Parang, Bulfon at Sultan Mastura at sa Maguindanao Sur naman sa South Upi, Talayan, Guindulhgan, Datu Unsay Ampatuan, Shariff Aguak, Mamasapano at Rajah Buayan at isang bayan sa North Cotabato at ito ay ang PigcaWayan.

Sanantala, mahina hanggang katamtamang pagulan naman ang mararanasan sa Buadiposo Buntong, Wao at Marogong sa Lanao Sur at Pagalungan at Gen. SK Pendatun sa Maguindanao Sur.

Starnation, wag maging kampante at kung lalabas magdala ng mga panangga sa ulan.