KORONADAL CITY- Hindi lamang ang daan-daang mga bakwit na nasa evacuation centers sa Batangas ang nananawagan ng tulong sa ngayon kundi maging ang mga residente na apektado pa rin ng ash fall na piniling manatili sa kanilang mga tahanan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Noreen Mae flores, residente sng Lipa, Batangas, nanganagilangan sa ngayon ng pagkain , tubig at mga personal ng gamit ang mga residente na nasira ang mga bahay ngunit piniling manatili sa kanilang mga bahay.
Ayon kay Flores, kahit hindi na ganun ka dami ang ash fall ngunit delikado pa rin sa kanilang lugar dahil hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente.
Mistulang ghost town ang kanilang area at mas nababahala sila dahil sa sinabi ng PHIVOLCS na tatagal pa ng ilang buwan ang volcanic activities ng Taal.
Samantala, sa ngayon ay naglalagay ng puting tela ang mga residente na humihingi ng tulong sa rescue team na nakaantabay sa ibat’t-ibang lugar.
Sa Kabila umano ng nararanasang hirap ng mga BatangeƱo ay nakatataba umano ng puso na mismong ang mga apektadong residente rin ang tumutulong sa mga mas nanganagilangan.
Ngunit, hindi umano nila kayang i-sustain ang pangangailangan ng mga apektadong residente kaya’t nananawagan na sila ng tulong.