-- Advertisements --
Wuhan tents patients coronavirus
Packed hospital in Wuhan City (file video grab)

Isinailalim sa lockdown ang umaabot sa 11 mga residential estates sa south Bejing Fengtai district matapos maitala ang panibagong kaso ng COVID-19.

Kabilang din sa inilagay sa lockdown ang siyam na mga kindergarten schools.

Inamin ng mga city officials na karamihan sa mga kaso ay natunton sa kalapit na meat maarket.

Sinasabing ito ang unang COVID-19 case makalipas ang dalawang buwan.

Una nang ipinagmalaki ng China na nakontrol na raw nila ang pagkalat ng coronavirus lalo na sa tinaguriang dating epicenter na Wuhan City.

Ang panibagong daw na mga kaso kamakailan ay nagmula naman sa mga residente na nanggaling sa ibang mga bansa.

Samantala nitong araw ng Sabado, ang anim na tinaguriang domestic cases ay nagmula sa tatlong market workers, isang bumisita sa palengke at dalawang empleyado ng China Meat Research Centre.

Agad namang nag-deploy ng daan daang mga pulis at paramilitary forces sa dalawang palengke ang China sa tinaguriang nilang “wartime mechanism” upang mapigilan pa ang muling paglaganap ng sakit sa ibang mga residente.