-- Advertisements --

Pahabaan ang pila sa ilang grocery store sa Bicol region bago pa man ang inaasahang pagtama ng bagyong Pepito.

Sa Daet, Camarines Norte, may mga estante ng delata at noodles ang wala nang laman.

Ganito rin ang sitwasyon sa ilang lugar sa Camarines Sur at iba pang parte ng Southern Luzon.

Maging ang mga kandila, bigas, biscuit, tinapay at mga kagamitan ay mabenta rin.

May ilang manggagawa ang hindi na pumasok para mapaghandaan ang epekto ng bagyo.

Matatandaang ang Region V (Bicol) ang napuruhan noong nanalasa ang bagyong Kristine, kung saan malaking bahagi ng mga lalawigan ang nalubog sa baha.

Kaya paniwala ng local store operators na ito ang rason ng marami kaya maaga nang bumibili ng mga pangangailangan, bago pa man ang epekto ng paparating na panibagong kalamidad.