-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Binaha ang provincial road sa bahagi ng Cabuyoan sa Panganiban, Catanduanes matapos maranasan ang malakas na mga pag-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Panganiban Municipal Disaster Risk Reductin and Management Office (MDRRMO) head Regie Castro, hindi madaanan ang naturang kalsada dahil sa hanggang baywang na tubig.
Kaninang umaga umano nagsimula ang pagtaas ng lebel ng tubig na umabot ng anim na talampakan.
Dahil dito, agad na binigyan ng babala ang mga sasakyang sinubukan sanang tumawid.
Inabisuhan ang mga ito na bumalik muna sa town proper habang hinihintay na humupa ang tubig baga.
Naitala rin ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Kanpawikan – Kanparel – Kanbaragon River dahil sa naturang mga pag-ulan.