DAVAO CITY – Muling binaha ang malaking bahagi ng lungsod ng Davao ngayong araw kung saan daan-daang mga pamilya ang apektado.
Inihayag ni Alfredo baluran, hepe ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) halos sampung mga barangay ang nakaranas ng halos hanggang baywang na tubig baha.
Dagdag pa ni Baluran na nagmula ang malaking volume ng tubig baga sa San Fernando City Bukidnon kung saan naranasan ang walang humpay na malakas na pag-ulan simula pa kahapon hanggang sa umagos ito sa halos 6 na mga malalaking sapa ng lungsod palabas sa Davao River.
Mas lalo pa umanong tumaas ang tubig baha dahil mataas rin umano ang tubig sa dagat o high tide kung kayat umabot ng lampas pa sa critival level ang alert status ng Davao river.
Sa ngayon nakakaranas na ng mainit na lagayan ng panahon ang lungsod ng Dabaw pero nanatili pa ring lubog sa tubig baha ang naturang mga barangay.
Ang pahayag ni Alfredo baluran, hepe ng City Disaster Risk Reduction Management Office CDRRMO.