-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakaranas ng mga pagbaha ang lungsod ng Davao matapos bumuhos ang malakas na ulan nitong Miyerkules ng hapon.

Una nito, pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga naninirahan sa lugar na delikado sa mga pagbaha at landslide na mag-ingat at agad na lumikas kung mararanasan ang mga pagbaha.

Minomonitor ngayon ng CDRRMO ang Davao river at Talomo river na madalas bahain lalo na kung bubuhos ang malakas na ulan.

Ang nararanasan na mga pag-ulan ngayong hapon at dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaapekto sa Mindanao at ang binabantayan na Low Pressure Area (LPA) na namataan sa silangang bahagi ng Davao City.