-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mas hinigpitan pa sa ngayon ng bansang Italy ang kanilang seguridad at ipinapatupad na health protocols lalo na sa Vatican sa nakatakdang Mass celebration ni Pope Francis kaugnay sa selebrasyon ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni Bombo International Correspondent Jetty Arciaga Obenieta na mahigit 10 taon na sa Milan, Italy at nagmula naman sa lungsod ng Koronadal.

Ayon kay Obenieta, nakataas rin ang “red zone” sa ilang parte ng bansa kaya hindi pa rin papayagan ang pagtitipon sa ilang parte ng bansa.

Dagdag pa ni Obenieta, sarado pa rin hanggang sa ngayon ang ilang mga bars, restaurants, at mga public market dahil sa COVID-19.

Aminado naman si Obenieta na mahirap pa rin ang sitwasyon ng Italy lalo na sa kanilang mga Pinoy na nagtatratabo at naninirahan doon simula nang lumaganap ang pandemya.