-- Advertisements --
Inilagay sa state of emergency ang Tokyo at tatlong rehiyon ng Japan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na ilalagay sa state of emergency ang Tokyo, Kyoto, Osaka at Hyogo prefecture.
Umaasa ito na bababa rin ang kaso ng COVID-19 bago ang pagsisimula ng Tokyo Olympics.
Nauna ng kinansela ng Tokyo Olympics organizers ang ilang mga qualifying games para sa Olympics dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.