-- Advertisements --

DAVAO CITY – Binaha ang ilang mga lugar sa lungsod kagabi matapos na tumaas ang tubig sa Davao at Talomo river nitong lungsod matapos ang walang tigil na ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Agad na pinayuhan ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) ang mga residente sa nasabing mga lugar na lumikas na matapos na nasa Critical level ang ilog at halos umabot na sa mga bahay ang tubig.

Bagaman humupa naman ang baha at nakabalik na rin sa kanilang mga bahay.

Ilan sa mga residente ang nagmatigas pa na umalis dahil ayaw nilang iwanan ang kanilang mga bahay.

Muling pinaalalahanan ang mga naninirahan sa mga flood prone areas na hindi na hintayin ang pagtaas ng tubig at agad na pumunta sa mga evacuation areas kung kinakailangan.