-- Advertisements --
EGAY

Patuloy nga  sa pag-iipon ng lakas  itong bagyong si “Egay” habang kumikilos  papalapit sa Hilagang bahagi ng Luzon.

Dahil dito ay hindi natin inaalis ang posibilidad na maging ganap na super typhoon si Egay sa susunod na labing dalawa hanggang 24 oras.

Batay sa kasalukuyang kilos at direksyon ng bagyo ay posible itong dumaan at mag landfall sa Northern Part ng Luzon.

Inaasahan rin na tuluyan itong lalabas sa Philippine Area of Responsibility pagsapit ng  Huwebes ng Umaga.

Sa kasalukuyang data ng Bombo Weather Center, huling namataan ang mata o itong centro ng bagyong si Egay sa layong 350 km East ng Tuguegarao City ,Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175 km/ h malapit sa gitna at may pagbugsong umabot sa 215 km/h

Kumikilos ang naturang bagyo pa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal # 3 sa ilang lugar sa Luzon kabilang na riyan ang Babuyan Islands,  northern at eastern portions ng mainland Cagayan , northeastern portion ng Isabela at northern portion ng Apayao.
Nakabandera rin ang Tropical Cyclone Wind Signal # 2 sa  Batanes, natitirang bahagi ng  mainland Cagayan, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino,  northern portion ng Nueva Vizcaya , natitirang bahagi ng Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao,  northern portion ng Benguet,  Ilocos Norte, Ilocos Sur, at northern at central portion ng Aurora.

Umiiral naman ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa Luzon kabilang na ang La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Benguet, Nueva Vizcaya at Aurora, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, northern portion ng  Masbate at ang   Burias at Ticao Islands

Kasama rin dito nag ilang lugar sa Visayas; Northern Samar, northern portion ng Samar  at northern portion ng Eastern Samar .

Dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong si Egay ay hindi pa rin inaalis ang posibilidad na maging sanhi ito ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga low lying at landslide prone areas kaya’t pinapayuhan ang LAHAT na mag-ingat at magjng handa.

Mas makakabuti rin kung manatiling nakatutok sa BOMBO RADYO PHILIPPINES para sa iba pang mahahalagang updates ukol sa sama ng panahong dulot ni bagyong Egay.