-- Advertisements --

Itinaas na sa tropical cyclone wind signal number 2 ang ilang lugar sa Luzon kasunod ng paglakas ng bagyong ‘Pepito’.

Batay sa 5:00 p.m. weather bulletin ng DOST-PAGASA namataan ang sentro ng bagyo sa layong 465 kilometers ng Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

May taglay ito na lakas ng hangin na 150 kph at pagbugso ng hanggang 185 kph.

Nasa signal number 2 ang ilang bahagi ng eastern portion ng Northern Samar, Northeastern portion ng Samar, at Northern portion ng Eastern Samar.

Ayon kay state weather bureau spokesperson Chris Perez, bukas pa ng hapon mararamdaman ang potential na lakas ng bagyong ‘Pepito’ para sa mga nabanggit na probinsya.

Habang sa bahagi ng Northern Luzon nakataas sa signal number 1 ang mga probinsya ng Aurora, Quezon, eastern portion ng Laguna, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate.

Asahan ang katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan sa natitirang bahagi ng Visayas sa mga lugar ng Northern Samar, Eastern Samar at Sorsogon na tatagal hanggang bukas ng hapon, Nobiyembre 16.

Base sa datos ng PAGASA, sa susunod na 48-oras mataas ang tyansa ng storm surge na maaring makapinsala ng buhay ng tao dahil umabot na aniya sa 3.0-meter above mean sea level ang mga karagatan sa probinsya ng Aurora, Quezon, southeastern Batangas, northwestern Romblon, Marinduque, Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, at Biliran.

Maaari ring tuluyang makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa araw ng Lunes, Nobyembre 18.