-- Advertisements --
baha

Nakaranas ng pagbaha ang ilang parte ng Metro Manila ngayong araw dahil sa tuloy-tuloy na ulang dala ng hanging habagat.

Batay sa data ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at paglilibot ng Bombo Radyo news team, namataan ang ilang kalsada na nagkaroon ng bahagyang pagtaas ang tubig.

Sa Pasig City, nakapagtala ng walong pulgada ng tubig baha sa EDSA Ortigas area, partikular na sa may harapan ng POEA.

Sa lungsod ng Maynila, nasa walong pulgada rin ang taas ng tubig sa Rizal Avenue at Recto Avenue; maging sa Taft Avenue corner UN Avenue; Quirino Avenue-West Zamora.

Sa Pasay City naman ay tumaas din ang tubig sa Andrews Avenue at 12th Street.

Habang Caloocan City , binaha rin ang Dagat-Dagatan Avenue.