-- Advertisements --

Abiso para sa mga residente ng Metro Manila.

Makakaranas ng Water Service interruption ang ilang bahagi ng Metro Manila sa susunod na linggo partikular na ang mga lugar na nasasakupan ng Quezon City, Las Piñas City, at Parañaque City.

Ito ay upang magbigay-daan sa isasagawang maintenance activities ng Maynilad Water Services Inc. sa naturang mga lugar sa susunod na linggo.

Samantala, gayunpaman ay muling tiniyak ng nasabing water concessionaire na hindi nila isa sabay sa peak hours ang kanilang pagkakasa ng maintenance activities upang maiwasan ang lubos na epekto nito sa ating mga kababayan.

Sa Quezon City, asahan magsisimula ang Water Service interruption tuwing alas-10:00pm hanggang alas-6:00am mula Mayo 13 hanggang Mayo 20, 2024.

Habang tuwing alas-6:00pm hanggang alas-6:00am naman magpapatupad ng water service interruption sa Las Piñas at Parañaque City mula Mayo 12 hanggang Mayo 13, 2024.

Ngunit pagsapit naman ng Mayo 14 hanggang Mayo 15, 2024 ay ipapatupad ang Water Service interruption sa ilang bahagi ng naturang mga lungsod mula alas-10:00pm hanggang alas-4:00am.

Samantala, dahil pa rin dito ay inabisuhan ang lahat ng mga customer na mag-imbak ng sapat na tubig bago ipatupad ang scheduled water service interruption.