-- Advertisements --
Mexico ice
Enrique Alfaro/ Twitter Image

Nagulat ang mga residente ng Guadalajara sa Mexico matapos na ulanin sila ng makapal na yelo.

Sa ilang linggong nakaranas kasi sila sa mainit na panahon ay nabigla sila sa pag-ulan ng yelo.

Dahil dito ay tumambad ang tatlong talampakan na yelo sa maraming kalsada ng lugar.

Gumawa agad ng paraan ang gobyerno para matanggal ang makapal na yelo sa kalsada para maging ligtas ang mga motorista.