-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Malaking bahagi ngayon ng Probinsya ng Northern Samar at Samar ang nakakaranas ng mga pagbaha dahil sa walang humpay na pag ulan dulot ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Jhon Allen Berbon, tagapagsalita ng LGU ng Northern Samar, na partikular na nakakaeksperyensya ng pagbaha ang aabot sa limang bayan sa naturang probinsya.
Dahil dito ay nasa 20 pamilya naman ngayon ang inilikas at nanatili sa mga evacuation centers.
Mapapag-alaman na isinailalim sa Signal number ang Probinsya ng Samar.
Samantala maliban dito ay nasa 513 na pasahero at 191 na mga sasakyan ang stranded sa Port ng Allen, Northern Samar.