NAGA CITY – Ilang mga lugar sa lungsod nang Naga ang binaha dahil sa malakas na buhos ng ulan kahapon.
Kasama sa mga ugar na ito ang Barangay Triangulo, Barangay Abella, sa mismong centro kaya ng kahabaan ng Nonoy and Cory Avenue at General Luna Steet.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Reniel Mago, weather forecaster ng Pagasa-Department of Science and Technology (DOST)-Legazpi, sinabi nitong ang north easterly surface windflow at easterly surface windflow o ang hanging nagmumula sa dagat Pasipiko ang dahilan ng mga thunderstorm na nararamdaman tuwing hapon.
Ayon kay Mayo, puwedeng tumagal ang naturang panahon hanggang sa katapusan ng Setyembre.
Kung maaalala, dahil sa nasabing mga thunderstom, una nang nanalasa ang buhawi sa dalawang bayan ng Camarines Sur kung saan halos mahigit sa 80 pamilya ang naapektuhan habang sinundan pa ito ng pagkamatay ng isa katao habang sugatan naman ang limang iba pa matapos mataan ng kidlat.