MANILA – Nababahala ang mga eksperto ng OCTA Research Group sa kapansin-pansin umanong pagtaas ng coronavirus cases sa ilang lungsod sa National Capital Region.
“The rise in new COVID-19 cases in some LGUs in the NCR has become a serious cause for concern,” ayon sa OCTA.
Batay sa pinakabagong report ng mga eksperto mula University of the Philippines at University of Santo Tomas, tumaas sa 1.5 ang reproduction number o bilang ng mga nahahawaan ng isang confirmed case sa NCR.
Ito’y matapos makapagtala ng 1,022 na bagong COVID-19 cases ang rehiyon noong February 27.
“The 4-day average was 942, while the 7-day average was 762, which is an increase of 61% from the previous week and 94% from two weeks ago.”
Ayon sa OCTA, ang pagtaas ng kaso na kanilang na-obserbahan mula sa Metro Manila ay kapareho ng pagsirit ng COVID-19 cases Cebu City, Mountain Province, at Benguet.
Ang mga nabanggit na probinsya ay natuklasang may mga kaso ng SARS-CoV-3 variants.
Bukod sa reproduction number, tumaas din daw ang positivity rate o bilang ng mga nagpo-positibo mula sa populasyong tine-test ng rehiyon sa 6% sa nakalipas na pitong araw.
“Hospital bed occupancy in NCR was still low at 36%, while ICU bed occupancy was 52%.”
Pitong lungsod sa Metro Manila ang kasali top 10 na nakitaan ng mga eksperto ng pagtaas ng kaso ng COVID.
Kabilang na rito ang Pasay City, Quezon City, Maynila, Makati, Malabon, Valenzuela, at Taguig.
May upward trend din o patuloy na pagtaas ng mga kaso ng sakit sa nabanggit na mga lungsod.
Pati na sa mga siyudad ng Paranaque, Navotas, Caloocan, at Las Pinas.
“In Pasay, Makati, Malabon and Navotas, the daily attack rate had exceeded 7 per 100,000, which classifies these LGUs as high risk areas according to DOH guidelines.”
Bukod sa NCR, binabantayan din ng grupo ang Cebu City na kahit may decrease o pagbaba sa reproduction number ay nananatiling may pinakamaraming kaso ng COVID sa Region 7.
Pati na ang Lapu-Lapu City dahil higit 70% ng kanilang hospital beds para sa COVID patients ang okupado.
“In CAR, the number of new COVID-19 cases in Baguio City, La Trinidad and Tabuk, Kalinga, also had upward trends, while the daily attack rate in these three LGUs were above 7 per 100,000.”
Naniniwala ang OCTA researchers na nagsisimula nang magkaroon ng “surge” o pagsirit sa kaso ng coronavirus sa ilang lungsod sa NCR.
Kaya naman dapat umanong magtulungan ang publiko sa pagtugon para maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.
Ang gobyerno naman, kailangan daw magpatupad ng mga angkop na hakbang para mabali ang nagsisimula na namang pagtaas ng COVID-19 cases.
“We urge high-risk local government units (LGUs) in the NCR, Cebu City, Lapu-Lapu, and other regions identified in this report to further intensify their efforts at testing, tracing, and isolation as well as to implement small, targeted lockdowns to contain superspreader events and reverse the increase in transmissions in their communities.”
Sa kabila nito nilinaw ng Department na maaga pa para sabihin na ang mga na-detect na mas nakakahawang variants ng COVID-19 ang nasa likod ng pagtaas ng confirmed cases sa iba’t-ibang lugar sa bansa.