-- Advertisements --
May ilang lugar sa Metro Manila ang tumaas ang COVID-19 infections.
Ayon kay Dr. Althea De Guzman, director ng DOH Epidemiology Bureau na ilan sa mga tumaas na kaso ay ang San Juan, Mandaluyong, Muntinlupa, Makati, Manila, Navotas at Malabon.
Pinakamataas dito ang Navotas na mayroong 116% growth rate sa loob ng dalawang linggo habang pinakamababa ang lungsod ng Makati na mayroong 22%.
Dahil dito ay maraming LGU sa NCR ang hindi pa sang-ayon na luwagan na ang quarantine restrictions.
Magugunitang inihayag din ng OCTA Research na hindi pa napapanahon ang pagluwag ng restrictions.