-- Advertisements --
HANNAH
Hannah/ Pagasa FB image

Lumubog na sa baha ang ilang lugar sa Northern Luzon.

Bukod dito ay marami na ring mga kalsada ang hindi madaanan ng mga motorista dahil sa pagguho ng lupa sa lugar.

Batay sa datos, aabot sa 34 na barangay sa tatlong Local Government Units sa North Central Luzon ang binaha dahil sa epekto ng bagyong Hanna at umiiral na habagat.

Dahil rin sa malakas na ulan sa McArthur Highway sa Dinalupihan National Road sa Olongapo City ay bumaba naman sa zero ang visibility sa naturang daan.

Sa Pangasinan naman ay patuloy na binabantayan ang lebel ng tubig sa kanilang mga ilog.

Samantala, inalerto naman ng City Disaster Risk Reduction Management Office at Local agencies ang mga residente sa posibleng banta ng flash floods at landslides.