-- Advertisements --

Malaking bahagi ng bayan ng Baco sa Oriental Mindoro ang nalubog sa baha dahil sa patuloy na pag-ulan, madaling araw nitong Lunesdahil sa nahatak na kaulapan ng bagyong Romina at iba pang weather system.

Lubog din sa baha ang mga bahay, kalsada, at mga taniman mga karatig na lugar, kagaya ng Brgy. Pinagsabangan 2, Naujan.

Nag-uumpisang tumaas ang tubig sa kalsada mula pa nitong nakaraang araw dulot ng masamang panahon at walang humpay na pagbuhos ng ulan sa kabundukan.

Maging sa Brgy. Burbuli ay hindi pa rin passable ang kalsada sa ating mga motorista.

Ang mga residente naman ng Tabon-Tabon ay pinaghahanda sa posibleng pagtaas pa ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan sa kabundukan, kung saan sila naman ang nagsisilbing catch basin ng probinsya.