-- Advertisements --

Makakaranas ng maulang Lunes ang ilang mga lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila dahil sa 3 weather system na Amihan, shear line at intertropical convergence zone (ITCZ) na patuloy na makakaapekto sa ating bansa.

Ayon sa state weather bureau, magdadala ang Amihan ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahinang pag-ulan sa malaking parte ng Luzon kabilang sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.

Makakaapekto naman ang shear line sa lagay ng panahon sa Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, at Bicol Region, na magdadala ng makulimlim na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Samantala, makakaapekto naman sa lagay ng panahon ang ITCZ diyan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga, at Soccsksargen.

Ang nalalabi namang parte ng Mindanao ay makakaranas ng bahagyang makulimlim hanggang sa makulimlim na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thuderstorms dahil sa ITCZ.

Tinataya namang makakaranas ng rough conditions na may matataas na alon na papalo hanggang 5 metro sa mga baybayin sa Northern Luzon lalo na sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Isabela.

Kaugnay nito, itinaas ang gale warning sa nasabing mga seaboard ngayong araw ng Lunes.