-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Inaasahang mas maraming lugar sa rehiyon 12 ang magdedeklara ng state of calamity dahil sa nararanasan na El Niño Phenomenon.
Ito ay matapos na una ng nagdeklara ang buong lalawigan ng Sultan Kudarat, kabilang ang munisipalidad ng Surallah sa South Cotabato at ang dalawang bayan sa North Cotabato na ang Aleosan at Alamada.
Ayon kay Jorie Mae Balmediano, tagapagsalita ng Office of Civil Defense 12, mahigit P11 milyon ang danyos ng naranasang tagtuyot kung saan nararanasan pa rin ang sitwasyon.
Nabatid base sa weather forecast na hanggang buwan pa ng Mayo mararanasan ang init ng panahon.
Nagbigay na ng tulong ang gobyerno sa mga apektadong residente ng region 12.