-- Advertisements --

Tinututukan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga lugar sa southern Metro Manila para sa mga ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston John Casio na kabilang sa kanilang mahigpit na binabantayan ang Muntinlupa, Makati, Pasay, at Parañaque, kung saan may mga recorded cases na may kaugnayan sa POGO.

Ito’y matapos makatanggap sila ng ulat na nakarating na sa Metro Manila ang mga nakatakas na manggagawa mula sa na-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Dagdag pa ni Casio na binabantayan din ng mga awtoridad ang mga ilegal na POGO sa Cavite, kabilang ang mga nasa Bacoor at Dasmarinas.

Hinala ng mga awtoridad, ginagamit ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang gateway para sa operasyon ng mga ilegal na POGO sa southern part ng Metro Manila.