-- Advertisements --
LAOAG CITY – Tumigil na ang ilang magsasaka sa Ilocos Norte sa pagtatanim ng tabako matapos aprubahan ng Senado ang pagtaas ng buwis ng sigarilyo sa bansa.
Ito ay ayon kay Mr. Reggie Cacuyong, presidente ng Alyansa ng mga magsasaka sa nasabing probinsya.
Iginiit ni Cacuyong na dahil sa panukalang itaas ang buwis ng sigarilyo ay siguradong tataas din ang presyo ng mga gagamitin nila sa pagtatanim ng tabako.
Sinabi pa ni Cacuyong na itataas ang buwis ng sigarilyo, pero ang presyo ng produkto nilang tabako ay mananatiling mababa.
Kinontra rin ni Cacuyong ang sinasabing hindi ang produkto nilang tabako ang ginagawang sigarilyo kaya hindi sila maapektuhan dito.