Mistulang susuporta ang ilang malalaking blue state kay dating US Pres. Donald Trump, batay sa inisyal na resulta ng US Presidential elections ngayong araw.
Sa US ay mayroong pitong kinikilalang battleground state na kinabibilangan ng Arizona (11), Georgia(16), Michigan(15), Nevada(6), North Carolina(16), Pennsylvania(19), at Wisconsin(10).
Noong 2020 US Presidential Elections, marami sa mga ito ay sumuporta sa Democrats (Joe Biden) na kinabibilangan ng Arizona, Wisconsin, Minnesota, Georgia, at Pennsylvania.
Pero maliban sa mga ito, mayroong mga estado na pinangangambahang magbago ng suporta sa kanilang susuportahang kandidato.
Batay sa inisyal na resulta ng halalan, mistulang magiging red state ngayon ang mga dating blue o democratic state tulad ng Georgia, isa sa mga swing state na dating sumuporta sa Democrats noong nakalipas na halalan.
Bagamat gitgitan ang laban dito nina Trump at VP Kamala Harris, napapanatili ni Trump ang lead sa Georgia as of 80% vote count.
Maging ang Virginia na dating Democratic state ay mistulang magbabagong-kulay din matapos mapanatili ni Trump ang lead, as of 60% vote count.
Ang New Mexico, na dating sumuporta kay US Pres. Joe Biden noong 2020, ay mistulang nagbabagong-kulay din habang napapanatili ni Trump ang lead, as of 30% reporting (vote count).
Sa kabila nito, nananatili pa ring masyadong maaga para malaman ang kabuuang resulta ng halalan.