-- Advertisements --
Iniulat ng state weather bureau na patuloy pa rin ang ginagawang pagpapakawala ng tubig sa tatlong malalaking dam sa Luzon.
Ang hakbang na ito ay dahil na rin sa mga banta ng pag-ulan dulot ng shearline na siyang nakaka apekto sa ilang bahagi ng extreme Northern Luzon.
Ayon sa state weather bureau, kabilang sa mga dam na nagpapakawala pa rin ng tubig ay ang Ambuklao Dam sa Bokod at Binga Dam sa Itogon,Benguet.
Tinukoy rin ng ahensya ang Magat Dam sa Isabela na nagpapakawala na ng tubig mula pa noong Oktubre 12.
Wala rin patid ang kanilang pagbibigay ng abiso sa lahat ng mga residente na nakatira sa gilid ng ilog na maging handa sa pagtaas ng tubig sa kanilang lugar dahil sa kanilang mga aktibidad.