Iminungkahi ng grupong Philippine Business for Education (PBEd) ang ilang mga malalaking pangalan bilang papalit sa babakantehing posisyon ng kalihim sa Department of Education.
Giit ng grupo, ang papalit dapat sa naturang posisyon ay may abilidad, may malawak na kasanayan, competent, at maaasahan.
Kabilang sa mga inirekomenda ng grupo ay sina Senator Sonny Angara, Social Welfare secretary Rex Gatchalian, Negros Occidental Third District representative Jose Fracisco Benitez, at education and community development advocate Milwida Guevara.
Ang mga ito umano ay pawang mga ‘exceptional leaders’.
Giit pa ng grupo na para masolusyunan at matugunan ang problema ng Pilipinas sa learning crisis, kailangang ang susunod na kalihimi ay isang competent manager, may maayos na track record, at nag-aadbokasiya ng transparency, participatory governance, at may maayos na decision making.
Una nang sumulat ang grupo kay PBBM upang ipaabot nang pormal ang kanilang rekomendasyon.