-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Hindi maiiwasang isisi ng ilang residente ng Mexico City sa kurapsiyon ang malagim na aksidente sa pagbagsak ng overpass na ikinasawi ng 24 katao at ikinasugat ng mahigit pitumpung iba pa sa Mexico City, Mexico

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Metchilyn Lantaca isang video creator sa Mexico City na tubong Camiguin Island sinabi niya na na sa kasalukuyan ay hindi pa nareretrrive sa ilalim ng bagon ang katawan ng dalawa mula sa 24 na nasawi sa pagbagsak ng metro train.

Aniya, bago maganap ang aksidente noong ikatlo ng Mayo ay una nang iniulat sa mga kinauukulan ang sitwasyon ng nasabing overpass noong 2017.

Nagtamo ng bitak ay nabaluktot ang bahagi ng overpass matapos na tumama sa Mexico ang malakas na lindol na kumitil sa mahigit isang libong katao noong 2017.

Taong 2018 ng ihayag ng pamahalaan ng Mexico na inaayos na ang overpass at walang dapat na ikabahala ang publiko at 2019 ay nagpatuloy ang operasiyon ng overpass hanggang sa tuluyan itong bumigay noong Mayo 3, 2021.

Aniya ang Metro Train ay ang pangunahing transpostasyon ng milyong mga commuter hindi lamang sa mula sa Estado De Mexico kundi maging ng mga mula sa labas ng siyudad.

Dahil sa insidente ay nagsagawa na ng rally ang ilang mga residente upang panagutin ang mga opisyal na nasa likod ng sinasabing korapsiyon sa naturang proyekto.

Iginiit niya na ayon sa ilang ulat may inilaang pondo para sa rehabilitasiyon ng olivios linya dose subalit hindi umano ito nagamit para sa pagsasaayos ng overpass.

Lumabas rin kamakailan ang isang mensahe na pinost sa social media ng Sub Secretary of Energy kung saan inihyag nito na hindi dapat baliwalain ang teyorya ng terorismo.

Ito ay matapos umanong makarating sa kaniya ang ulat na nag karoon ng spark sa linya g tren bago sumabog na nagresulta sa pagbagsak ng overpass na mariin pinabulaanan naman ng mga pasahero ng tren.

Sa kasalukuyan ay humingi na ng tulong mula sa international expert ang mga kinauukulan ng Mexico upang matukoy ang naging sanhi ng malagim na aksidente.