KALIBO,Aklan—Pansamantalang ipinatigil ng administrasyong Trump ang pagproseso ng ilang aplikasyon para sa green card habang ipinapatupad naman ang paghigpit sa immigration ng pamahalaan sa Unites States of Amerika.
Ayon kay Juliana Olmetti, Bombo International News Correspondent sa Chicago, USA na ilan sa mga mamamayan doon ay sang-ayon sa nasabing hakbang ng pamahalaan dahil sa over populated na aniya ang Amerika.
Kabilang aniya sa freeze order ang mga pinayagang refugee kung saan, nais ng white house na mabigyan ng katuparan ang pagsisikap na masala ang mga imigranteng papunta sa US kahit ang may mga visa ay hindi rin basta-bastang makakapasok.
Ito ay base sa dalawang executive actions kaugnay sa immigration na nilagdaan ni US President Donald Trump.
Ipinaliwanag nito na marami ang nag-aapply na maging green card holder upang maging legal na permanenteng residente ng US.