-- Advertisements --
Kinukuwestiyon ngayon ng ilang mambabatas ang Facebook dahil sa censorship issues.
Ayon kay deputy speaker at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera na kailangan ipatawag ang representatives ng social media giant dahil sa nasabing usapin.
Hindi raw kasi nagiging makatarungan ang ginagawa ng Facebook sa pagtanggal ng mga negatibong pananaw sa anumang usapin.
Ang ginagawa aniya ng nasabing social media giant ay isang uri ng pananakop sa karapatang pantao.
Nauna ng naghain ng panukalang batas si Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor na kumukuwestiyon sa paraan ng Facebook sa information censorship.