-- Advertisements --
jeepneys

Hindi sang ayon ang ilang mambabatas sa pag phase out ng mga jeep sa darating na hunyo 30 hanggat walang sapat na subsidiya at tulong mula sa gobyerno.

Ito raw ay malinaw na pagpatay sa mga kabuhayan ng mga apektadong sektor.

Ayon kay House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda, kahit ang huling buwan ng taong ito ay hindi sapat bilang extension ng prangkisa sa 50,000 traiditional public utility jeepney.

“Totally, I oppose it without government providing concrete assistance to help PUJs cooperativize or to provide ample seed funding for their cooperatives,” Salceda said. “Even the end-2023 extension is not enough” sinabi ni Salceda.

Dagdag pa niya, ang polisiyang ito raw ay cruel at inhumane dahil wala manlang sa budget ang subsidiya para sa mga jeepney driver na magiging apektado ng modernization lalo na’t isa sila sa mga sobrang apektado nitong nakalipas na tatlong taon.

“I think the policy is especially cruel and inhumane when there are no longer any PUJ subsidies in the budget. Cruel and inhumane when you consider that jeepney drivers were among the hardest-hit sectors over the past three years” ayon pa sa kanya.

Bilang tugon dito, mafafile si Rep. Salceda ng isang resolution para sa suspensyon ng Memorandum Circular No. 2023-13 na magreresulta ng pagkawala ng prangkisa ng mga tradisyonal na jeep.

Nanawagan ang mambabatas sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na makipag ugnayan sa mga local governments para makabuo ng tamang tugon sa isyung ito nang sa gayon ay sila ang mag establish at operate ng modernized jeepneys.