
Umapela si House Committee on the Welfare of Children Chair Angelica Natasha Co sa bagong talagang PNP Chief na si PGEN Benjamin Acorda Jr. na bigyang tuon ang proteksyon ng kabataan.
Vulnerable raw ang mga kabataan sa lipunan ngayon kaya kailangan ito ng sapat na atensyon at proteksyon.
Kaya naman iminungkahi ng mambatatas na magkaroon ng hakbang upang mapalakas pa ang Women and Children’s Desk Police service nang sa gayon ay maresolba agad ang mga krimen na kaugnay ang mga kabataan.
Kung mapapansin raw,sinasamantala ang pagiging bata ng isang indibidwal upang magamit sa mga sindikato at gumawa ng krimen.
Marami umanong mga paglabag ang nagagawa ng isang batang hindi gaanong nabigyan ng tamang proteksyon ilan sa mga ito ay ang pagnanakaw, sexual assualt, rape, illegal drug trafficking at maging ang prostitusyon.