Tinitignan ngayon ng House Committee on Good Government and Public Accountability na irekomendang sampahan ng kasong plunder si Vice President Sara Duterte.
May kaugnayan ito sa hindi maipaliwanag sa paggastos nito ng P112.5 milyon na confidential funds.
Sinabi ni House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr na ito ang ikinokonsidera ng panel kapag bigo pa rin si Duterte kung saan napunta ang P112.5 milyon na confidential funds na nai-cash advance noong ito kalihim ng Department of Education ng taong 2023.
Iginiit pa ng Pampanga 3rd District Representative na mahalaga ang pagkakaroon ng transparency sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
Sa mga nagdaang pagdinig kasi ay kinuwestiyon ng mambabatas kung bakit nailabas ang pondo sa tatlong magkaibang tseke na nagkakahalaga ang bawat isa ng P37.5 milyon na ginawa lamang sa unang tatlong quarters ng 2023.