Isinusulong sa Kongreso ng ilang mambabatas ang House Bill 4696 na naglalayong maprotektahan ang mga senior citizens sa kapabayaan at pang aabuso.
Nakapaloob sa panukalang batas na maaaring makulong ang sino mang guilty sa pananamantala, kapabayaan at pang aabuso.
Layon din nito na magkaroon ng desk sa bawat barangay upang agad na maaksyonan ang nasabing isyu.
Ang House Bill 4696 o ang proposed Anti-Elder Abuse Act rin ay nagnanais na mag set up ang Department of Justice ng special prosecution unit para sa eksklusibong mga kaso sa karahasan sa mga senior citizens.
Maging ang Department of Social Welfare and Development ay minamandato ng panukalang batas na ito na magbigay ng safe shelter, counciling, healing, recovery at rehabilitation services para sa mga biktima samantalang ang Department of Health naman ay kinakailangan mag bigay ng medical aid.
“Elderly citizens, like our lolos and lolas, should be honored, cared for and respected. Unfortunately, many of our senior citizens still suffer abuse and most of the time, even from the very people who are supposed to care for them, as shown by news reports and reliable posts in social media. Worse, many cases of elder abuse go unreported and unpunished. Our bill aims to prevent these,” ayon kay Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, isa sa naghain ng nasabing panukalang batas.
Kabilang sa mga pang aabusong nakasaad sa panukalang batas ay ang physical abuse, psychological, mental o emotional abuse.
Isa pa dito ay ang pag abandona sa isang senior citizen.
“This measure seeks to ensure that our senior citizens are given protection from all forms of violence, abuse, neglect, exploitation and coercion, especially acts detrimental to their personal safety and security,” ayon sa mga author ng panukalang batas.
Ang parusa para sa slight physical injuries ay 1 buwan at 1 araw hanggang sa 6 na buwan, samantalang ang serious physical injuries ay 6 buwan at 1 araw hanggang 6 na taon.
Ang ilan pang hindi nabanggit na parusa sa sino manglalabag sa panukalang batas ay ang pagbabayad ng hindi bababa sa P100,000 at hindi naman hihigit sa P300,000.