-- Advertisements --
House Plenary Congress
House of Representatives

Isinusulong ng ilang mambabatas ang mga long term solution laban sa Climate Change kaugnay ng nakaambang paparating na El Niño sa bansa na posibleng lubos na maka apekto sa mga tao.

Ilan sa mga inihaing panukalang batas ay ang Rent-a-Bike Program for Every City and Municipality (HB 6834), House Bill 4556 or the Basura to Ayuda Act, at Potable Water Supply Act (HB 5807).

Mababawasan raw ang polusyon sa pag gamit ng mga bisikleta samantalang ang mga basura naman na ituturn over sa gobyerno ng bawat indibidwal ay papalitan ng ayuda.

Ang mga panukalang ito ay naglalayong makapagbigay ng solusyon nang sa gayon ay mamitigate ang epekto ng climate change na nararanasan sa bansa.

Pagdating naman sa malinis na tubig ang HB 5807 ay makatutulong na masigurong mayroong mapagkukunan ng malinis na tubig ang bawat munisipyo.

Ayon kay Quezon City District V Representative PM Vargas ang may akda ng mga nasabing panukala, hindi na raw bago ang climate change kaya naman dapat raw ang mga mambabatas ay magkaisa na bumuo ng batas upang makatulong na masolusyonan ito.