Isinusulong ngayon ng ilang mambabatas sa bansa ang pagsasabuhay ng 2-year mandatory reserve officers’ training corps (ROTC) program para sa unang dalawang taon sa kolehiyo upang maisabuhay ang pagiging makabayan, ang disiplina, at paggalang sa mga awtoridad.
Pinangunahan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pagpapatuloy ng hybrid hearing ng higher education, technical, and vocational education sub-committee sa mga panukalang naglalayong gawing mandatory ang reserve officer training corps (ROTC).
Sinabi ni dela Rosa na nais pagtuunan ng komite ang iba’t ibang aspeto ng mga panukala kabilang ang coverage, curriculum, registration at incentives.
Bilang tagapangasiwa aniya ng sub-committee na ito, muling inaabangan ng mambabatas ang mga posisyon, komento, at mungkahi ng lahat sa mga panukalang batas na isasaalang-alang, upang ang sub-committee na ito ay bumuo ng isang pinagsama-samang panukalang batas na magpapaganda sa bansang ito gayundin na makapag-invest sa mga kabataan sa pamamagitan ng muling pagbabalik ng ROTC program.
Dagdag pa ng mambabatas, kinakailangan na ang mga taong kakatawan sa nasabing panukala ay magaling at tututok sa mga estduyante upang maiwasan ang abuso at korapsyon.0
Samantala, hindi naman pabor si Senator Pia Cayetano sa nasabing panukala na muling pagsasabuhay ng mandatory ROTC sa tertiary level.
Aniya, ang dapat na paglaanan ng pansin sa ngayon ay ang Science, Technology, Engineering at Mathematics o STEM related courses kung saan, dito maipamamalas ng mga kabataan ang kanilang angking galing.