Kasalukuyang hinahanapan ng solusyon ng ilang mambabatas ang problema sa employment ng fresh graduates o mga nagtapos nitong kasagsagan ng pandemya.
Ayon kay chairperson of the House of Representatives’ Committee on Labor and Employment Rep. Fidel Nograles, ito ay nakakabahala at kailangang maaddress ang gap na ito.
“The results of the report, while expected, is troubling, and we in government should actively work to address the gaps that have been identified,” sinabi ni Rizal 4th District Rep. Nograles.
Mungkahi pa ng mambabatas na magandang solusyon umano kung magkakaroon ng programa ang pamahalaan upang maitulay ang fresh graduates tungo sa paghasa ng skills na hindi na acquire dahil sa online class.
“It might be a good idea for government to provide an avenue where new graduates can fill their skills gaps, including in areas such as communication, teamwork, and critical thinking,” dagdag pa ni Nograles.
Ito programa raw ay tutulong upang mapantayan ng mga fresh graduates ang standard na prioridad na hinahanap ng ilang mga kompanya.
Binigyang diin niya rin na kailangan ng gobyernong bumuo ng linkages sa ilang industriya para maidentify ang skills na kinakailangan ng mga fresh graduates para sa available na mga trabaho.
“We need a national conversation on the job situation. Kailangan nating malaman kung ano ang mga pagkukulang, at ano ang maaaring gawin para mapunan ang mga ito. We need the inputs of all stakeholders concerned,” dagdag pa ng mambabatas.
Kung maaalala, ayon sa pinakabagong datos ng Commission on Human Rights, nahihirapang makapaghanap ng trabaho ang mga fresh graduates dahil umano kulang ito sa soft skills at practical job skills na sana ay nahasa sa face-to-face classes.
Ang ilan raw ay nacu-culture shock dahil sa ibang iba ang expectation na itinuro noong nag aaral pa lamang kumpara sa mismong pagtatrabaho na ito ay nagpapakita lamang ng kakulangan sa kahandaang magtrabaho.