Kinondena sa senado ng ilang mambabatas ang walang awang pagpaslang sa 35-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jullebee Ranara sa Kuwait.
Sa pagdinig sa senado, binanggit ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. na ang 35-anyos na kasambahay ay isa lamang sa ilang mga OFW na naging biktima ng mga abusadong amo sa Kuwait.
Dagdag pa ng mambabatas, na hindi aniya pinapayagan ang mga ganitong karumal-dumal na pangyayari na sinapit ng ating kababayan.
Tinitiyak ni Revilla na may kasangga ang mga OFW sa senado at mananagot aniya ang mga dapat managot.
Sinabi naman ni Migrant Workers Secretary Susan Ople Sa isang pagdinig sa Senado, ang pangangailangan na magkaroon ng employment plan o strategies para mabigyan ng trabaho ang mga kababaihan sa bansa.
Ipinaliwanag ni Ople na ang pagkakaroon ng partikular na tungkulin para sa kababaihan sa mga national development programs and direction ay nagbibigay-daan sa kanila na magkaroon ng isang option for labor and workforce sa bansa at maging sa labas ng bansa.
Natagpuan ang sunog na bangkay ni Ranara sa isang disyerto.
Patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa pamahalaan ng Kuwait kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kuwaiti police ang 17-anyos na anak ng employer na siyang primary suspect sa pagpatay kay Jullebee.
magbibigay naman ang gobyerno ng death at burial assistance, mandatory insurance, at scholarship sa apat na anak ni Ranara.