-- Advertisements --
image 486

Isinusulong ng ilang mambabatas House Bill 3917 na naglalayong iklasipika ang tobacco products bilang isang agricultural commodity kung saan ang mga mahuhuling magpupuslit nito ay haharap ito sa mabigat na parusa sa ilalim ng Republic Act 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Ayon sa Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Margarita Nograles, ang pagkakumpiska ng milyon-milyong halaga ng sigarilyo ang pinakamalakas na rason kung bakit kailangan itong isama sa mga agricultural commodity.

Dagdag pa ni Rep. Nograles, malaki ang nawawala sa gobyerno na potential revenues dahil sa mga smuggled tobacco products.

Kung matatandaan, nitong nakaraang lang ay nakumpiska ang halos P2.5 million worth of smuggled cigarettes doon sa Brgy. Tetuan, Zambaoanga City.

“This could have easily translated to Php522 Million in excise tax which can fund the construction of many school buildings and post-harvest facilities including cold storage for our vegetable producers”, sinabi pa ni Rep. Nograles.

Itinutulak ang pagpasa ng nasabing panukalang batas dahil anila ang tobacco industry ay isa sa pangunahing pinagkukunan ng income ng maraming mga magsasaka, nasa halos 516,000 ang labor force nito at di naman bababa sa 2.2 million na Pilipino ang kumikita sa nasabing industriya.