Nais ng ilang mambabatas na magkaroon ng biometric immigration screening para sa mga foreign visitors para na rin mamonitor ang mga banyagang pumapasok at lumalabas ng bansa.
Ang biometric na ito makapagbibigay ng facial, fingerprint at iris recognition ng mga foreign visitors na siyang magpapabilis ng immigration clearance at magpapaganda ng travel experience sa bansa.
“The BI should start deploying biometric checks to verify the identities of foreign visitors and validate their entry or exit,” sinabi Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.
Itong facial recognition din umano ay makatutulong upang magkaroon ng paunang proteksyon ang bansa laban impostor threats o di kaya ay mga may planong gumawa ng krimen sa bansa.
Ayon pa kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, kailangan nang mag deploy ng Bureau of Immigration ng biometrics upang ma identipika at ma validate ang identity ng isang foreigner.
Hinihimok rin ng mambabatas na makipag ugnayan ang Department of Justice sa Department of Budget and Management upang magkaroon ng budget allocation itong Biometrics sa national budget sa taong 2024.
Maging si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ay suportado itong biometric tracking ng mga foreign visitors dahil kung matatandaan kamakailan lang ay pumutok ang balita patungkol sa mga overstaying Chinese nationals na sangkot sa human trafficking, prostitution at online gambling-related kidnapping.