-- Advertisements --
House of Representatives

Sa nagbabantang El Niño, nais ng ilang mambabatas na magkaroon ng masusing imbestigasyon patungkol sa hindi matagumpay na implementasyon ng Rainwater Collection Law.

Ito ay naglalayong bumuo ng mga rainwater collectors sa bawat barangay ng sa gayon ay makapag imbak at tipid ng tubig.

Nasa halos 34 years na itong Rainwater Collection and Springs Development Law of 1989, or Republic Act No. 6716, ngunit ayon sa ilang mambabatas ay hindi naging matagumpay ang implementasyon nito.

“We want Congress to get to the bottom of the problem so that we can take remedial action, considering that stockpiling rainwater offers a practical way for communities to augment (water) supplies during the dry season, while mitigating potential flooding during the wet season,” ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., ang tubig ulan ay mayroong malaking ambag sa national water security roadmap kaya naman inaasahan niya umano na ang Water Resource Management Office ay gagawing prioridad ang installation ng rainwater collectors sa buong bansa.

Kung matatandaan, nasa 55% ang tsansa na magkaroon ng El Niño sa darating na July hanggang September ngayong taon na magtatagal sa susunod pang taon.