-- Advertisements --

Isinusulong ng ilang mambabatas na masiyasat ang tunay na dahilan ng atrasadong paglalabas ng data mula sa transparency server ng Comelec ukol sa nangyayaring bilangan.

Ito’y makaraang umabot ng halos limang oras bago nagkaroon ng panibagong data.

Para kina Kabataan Rep. Sarah Elago at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, dapat maipaliwanag ng Comelec sa simpleng paraan ang nangyari, bago pa ito makalikha ng iba’t-ibang kaisipan.

Maging si Liberal Party (LP) president Sen. Kiko Pangilinan ay interesado ring malaman kung saan nanggaling ang error at kung paano ito maiiwasan sa hinaharap.

Samantala, sa panig naman ng poll body, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na hindi ito failure of transmition, kundi itong aberya lang sa program na ginagamit sa transparency server.