ILOILO CITY – Hindi pa masigurado kung hanggang saan ang katapatan ng Presidential son na si Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte na maging House Speaker.
Ito ay may kaugnayan sa mainit na usipin hinggil sa House Speakership race sa Kamara kung saan malalaman ang pasya ng mga kongresista sa Hulyo 22 kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor, sinabi nito na sa ngayon, wala pang kasiguraduhan kung itutuloy ng Presidential son ang kanyang plano na maging House Speaker.
Sa kabila ng agam-agam, sinabi ni Defensor na nais lamang ni Duterte na pag-isahin ang mga kongresista sa pagpili ng susunod na House Speaker.
Ang nasabing adhikain ni Duterte ayon kay Defensor ay upang maiwasan ang term-sharing at upang mabilis ang pagtapos sa mga legislative agenda sa Kamara.