-- Advertisements --
image 84

Pinayohan ng ilang mambabatas ang Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. na paghandaan na ang paparating na El Niño upang maiwasan ang nangyari noong 2019 kung saan nagkaubosan halos ng tubig.

Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, prone ang Manila sa kakulangan sa tubig dahil sa demand nito.

“We do not want a repeat of the 2019 water crisis, so we would urge the two water concessionaires to prepare this early for the worst, should we have a full-scale El Niño event in the months ahead,”dagdag pa ni Rep. Rillo.

Kung matatandaan mayroong banta ng El Niño na maaaring magsiula sa July hanggang sa taong 2024.

Mababa ang tsansa ng pag ulan sa mga panahong ito na magdudulot ng pagbaba ng level ng tubig sa mga dam.

Nitong nakaraang linggo, mayroong abiso na nagsimula nang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam mula 214 meters ay naging 199.76 meters na lamang.

Taong 2019, dahil rin sa El Niño ay bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam at nagdulot ito ng matinding kakulangan sa tubig pati na rin sa mga karatig na lugar.

Nasa 90% ng Metro Manila ay sinusupplyan ng tubig ng nasabing dam.