-- Advertisements --

Suportado nang ilang mambabatas ang appointment ni Atty Gilberto Teodoro bilang bagong kalihim ng Department of National Defense.

Inanunsiyo ng Malakanyang kahapon ang apppointment ni Teodoro matapos ang pulong kay Pang. Marcos kasama si DND OIC Senior Usec Carlito Galvez.

Pinuri ni Iloilo 5th District Rep. Raul Boboy Tupaz na siyang chairman ng House Committee on National Defense and Security si Pang Marcos sa pagtalaga kay Teodoro bilang isang full pledge defense secretary.

Ayon kay Tupaz malawak ang karanasan ni Teodoro sa leadership, legislation, administrative at legal aspects kaya walang duda na nasa mabuting kamay ang defense and security ng ating bansa.

Dagdag pa ni Tupaz,mahalaga ang magiging papel ni Sec Teodoro lalo at nalalapit na naman ang bagong kabanata ng Mutual Defense Treaty at pangkalahatang bilateral relation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Nariyan din ang usapin ng reporma sa sistema ng pensiyon para sa militar at unipormadong tauhan, na dapat harapin sa mga susunod na buwan upang matiyak sa mga magreretirong opisyal at enlisted personnel ang kanilang kinabukasan at ng kanilang mga pamilya kaugnay sa kanilang pensiyon.

Ang ikatlong mahalagang isyu na naghihintay sa bagong Kalihim ay ang pagpapatupad ng Republic Act 11709, na sinususugan ng RA 11939 sa tour of duty, retirement, at attrition sa Armed Forces of the Philippines, na nilagdaan bilang batas.

Sa panig naman ni Bagong Henerasyon Party List Rep Bernadettee Herrera ang appointment ni Sec Teodoro ay patunay sa kaniyang remarkable leadership skills at malawak na kaalaman sa aspetong national security.

Kinikilala din ni Herrera ang mahalagang role ng DND.