Target ng ilang mambabatas na mas maagang tapusin ang paghimay ng bicameral conference committee sa P4.5 trillion na 2021 national budget.
Para kay Senate committee on finance chairman sen. Sonny Angara, kung walang gaanong adjustment na kailangan, mas maagang matatapos ang kanilang trabaho.
Sa panig naman ni House committee on appropriations chairman Rep. Eric Yap, ireresolba nila ang mga nadoble at malaking alokasyon, para mailipat sa mga tanggapan na higit na nangangailangan.
Kasama na rito ang P5 billion calamity fund para sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyo.
Para naman kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano, sana ay maipakita sa publiko ang balangkas ng budget bago ito ganap na aprubahan.
Kung magkakasundo sa kanilang mga amyenda, tinatayang matatapos ang bicam sa darating na Biyernes.
Habang agad namang dadalhin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang enrolled bill para sa lagda nito, bago pa ang holiday break.